Biyudang trader itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Nasawi noon din ang isang 55-anyos na biyudang negosyante matapos ratratin ng pinaniniwalaang hired killer sa harapan ng kanyang tindahan sa Brgy. Planas, Ramon, Isabela noong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa report na nakara­ting kay Police Maj. Lord Wilson Adorio, hepe ng Ramon PNP, naglilinis sa harapan ng kanyang mini-grocery si Linda Fidel nang lapitan siya ng berdugong naka-jacket at bull cap saka ito binoga sa ulo at katawan dakong alas-7:00 ng umaga.

Agad namang tumakas ang killer sakay ng motorsiklo na may kasamang dalawa pang kasabwat.

Dead-on-the-spot naman ang biktima habang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 baril ang natagpuan ng mga tauhan ng SOCO sa tabi ng kanyang bangkay.

Alitan sa lupa ang sinusundan ng mga im­bes­tigador sa motibo ng pamamaslang.

Show comments