Dead-on-the-spot dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular sa kanyang ulo ang biktimang si Police Master Sergeant (SPO1) Francis Villamor, dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office (PPO) pero nalipat ng destino noong 2016 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
File Photo
Pulis dinedo sa loob ng korte
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang bagitong pulis ang walang habas na pinabulagta habang tatlo ang nasugatan matapos ratratin ng bala ng isang ‘di pa natutukoy na suspek sa loob mismo ng Hall of Justice ng Danao City, Cebu nitong  Huwebes ng umaga.

Dead-on-the-spot dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular sa kanyang ulo ang biktimang si Police Master Sergeant (SPO1) Francis Villamor, dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office (PPO) pero nalipat ng destino noong 2016 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Samantalang tatlong iba pa ang nasugatan, dala­wa rito ay kinilalang sina Ange­lisa Batidor, 64; at Gina Arong makaraang tamaan ng ligaw na bala na isinugod sa Danao City District Hospital para malapatan ng lunas.

Sa ulat ng Danao City Police, nangyari ang insidente bandang alas-12:00 ng tanghali habang palabas na ang biktima sa Danao City Regional Trial Court matapos na dumalo sa paglilitis ng kaso.

Bigla na lamang umano itong pinagbabaril ng nag-aabang na gunman habang ang isa pa ay nagsilbing back-up nito.

Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw na tuluyang tumapos sa buhay ng biktima habang nadamay naman sa insidente ang tatlong iba pa na tinamaan ng ligaw na bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang sa biktima.

COP SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with