Sa ulat ng Bulacan Police, ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Ryan Daquiz, alyas “Ulo”, 20, ng Brgy. Cutcot, Pulilan; Novem Jornales, alyas “Bem”, 39, ng Brgy. Sto Niño, Bulacan; at isang tinukoy lamang sa pangalang Reynaldo, alyas “Bukol”.
Fille Photo
3 ‘pusher’ todas sa shootout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong sinasabing mga ‘tulak’ ng shabu ang napatay ng mga otoridad sa isinagawang drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa at nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat ng Bulacan Police, ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Ryan Daquiz, alyas “Ulo”, 20, ng Brgy. Cutcot, Pulilan; Novem  Jornales, alyas “Bem”, 39, ng Brgy. Sto Niño, Bulacan; at isang tinukoy lamang sa pangalang Reynaldo, alyas “Bukol”.

Bandang alas-2:15 ng ma­daling araw kahapon nang mapatay si Daquiz sa Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan matapos na mauwi sa shootout ang buy-bust operation.

Nakuha sa lugar ang isang cal 38, tatlong cartridge ng cal 9 MM at 3 plastic sachet ng shabu.

Samantalang bandang alas-3:35 naman ng mada-ling araw kamakala­wa nang mapatay ang nan­labang drug pusher na sina Bem at Bukol sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Narekober ang isang cal. 38 revolver na naglalaman ng bala at siyam na plastic sachet ng shabu.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with