Ang nasawing pawang mga barangay treasurer ay sina Josephine Moises ng Brgy. Cullalabo del Sur at Edmundo Maritillano, ng Brgy. Bacnor West na kapwa mula sa bayan ng Burgos, Isabela.
2 brgy officials utas sa road mishap
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang barangay officials habang apat ang nasugatan matapos bumaliktad at dumiretso sa taniman ng mais ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) makaraang sumalpok sa isang poste naganap sa Brgy. Pragata, Pasuquin, Ilocos Norte, kamakalawa ng umaga.

Ang nasawing pawang mga barangay treasurer ay sina Josephine Moises ng Brgy. Cullalabo del Sur at Edmundo Maritillano, ng Brgy. Bacnor West na kapwa mula sa bayan ng Burgos, Isabela.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Elizabeth Bucag, isa ring barangay trea­surer; Junard Salacup, SK chairman, Eduardo Domingo Jr., barangay kagawad at ang driver ng SUV na si No­velito Abaya, 52; pawang mga residente ng Brgy. Cullalabo, Burgos sa nasabing lalawigan.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, dakong alas-5:00 ng umaga habang binabagtas ng isang itim na Toyota Fortuner mula sa lalawigang ito na minamaneho ni Abaya ang kahabaan ng national highway sa nasasa­kupan ng Brgy. Pragata nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa isang poste bago bumaliktad at dumiretso sa taniman ng mais.

Nabatid na ang mga biktima na galing sa lalawigan ng Isabela ay dadalo sana sa isang convention na gaganapin sa Laoag City nang maganap ang aksidente. (Raymund Catindig)

ILOCOS NORTE ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with