Street level target huli sa buy-bust

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natimbog ng pulisya ang isang kusinero na sumuko noong 2016 sa Oplan Tokhang matapos niyang balikan ang pagbebenta ng droga na kanyang ikinadakip sa isang buy-bust operation sa Brgy. Guising, Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Sinabi ni PO3 Ronald Pascual na kaagad dinakma ng mga operatiba si Jonard Reyes ng Brgy. Lapogan matapos ipasakamay ang dalawang sachet na shabu sa isang undercover agent dakong alas-3:40 ng hapon. Ayon kay Pascual, kabilang si Reyes sa listahan nila sa street level target na sinusubaybayan ng awtoridad sa Cagayan.

Show comments