^

Probinsiya

3 ‘tulak’ bulagta sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang tatlong tulak ng droga matapos na makipagbarilan sa mga operatiba sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanila sa Purok-7, Brgy. Binitayan sa bayan ng Daraga, lalawigang ito noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na napaslang na sina Pedro “Mao” Marco Tibay, 34-anyos; Pete John Carlo Rima, 35, at Jeruh Salem “Bunker” Catubig, 37.

Sa ulat ni Sr. Insp. Mayvelle Gonzales, taga­pagsalita ng Albay Police, dakong alas-6:20 ng gabi, magkakasamang inilatag ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division, Albay Provincial Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency, 97 Military Intelligence Company, 9th Infantry Division ng Philippine Army at Daraga Police sa pangunguna ni Inspector Linus Dominic Lopez ang buy-bust operation laban sa tatlong suspek. Habang isinasagawa ang transaksyon, nahalata ng mga suspek na boodle money ang ibinayad ng pulis na poseur buyer na nasa P30,000, kaya pinutukan ang katran­saksyong pulis na masuwerteng ‘di tinamaan. Nagsilabasan naman ang mga kasamahang operatiba at gumanti ng mga putok sa mga suspek na tumakbo papasok sa isang bahay. Matapos ang barilan, nakitang nakabulagta na ang tatlong suspek.

Nakuha sa lugar ang limang sachet ng shabu na nasa P150,000 ang halaga, buy-bust boodle money, mga drug paraphernalia at tatlong .357 Magnum na baril.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with