^

Probinsiya

Binatilyo nabagsakan ng basketball ring, dedo

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Binatilyo nabagsakan ng basketball ring, dedo

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na aksidenteng mabagsakan ng board ng basketball ring makaraan itong lambitinan naganap sa Lagao, Gen. Santos City, kamakalawa.

Sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si John Paul Panerio, residente ng Guijo St., Balite, na natu­rang lugar.

Bago nito, dakong alas-10:30 ng gabi nang magtungo ang biktima at ang kanyang kaibigan sa basketball court ng Agan Centro at bigla itong tumakbo papunta sa ring at nilambitinan ito dahilan upang bumigay ito.

Sinubok pang iwa­san ng biktima ang bumagsak na board ngunit huli na dahilan upang masapol ito sa ulo at tu­luyang madaganan.

Napag-alaman na aksidente ang nasa­bing pangyayari at wa­lang nakitang foul play sa pagkamatay ng binatilyo.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with