Sa report, sinabi ni Army’s 2nd Infantry Division (ID) Spokesman Captain Jay Patrick Retumban, dakong alas-4:30 ng madaling araw nitong Huwebes nang masabat ng tropa ng mga sundalo ang tinatayang 15 armadong rebelde sa Brgy. Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro.
3 NPA todas sa engkwentro
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng  mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa magkakahiwalay na engkwen­tro sa pagitan ng tropa ng militar at mga kasamahan nito sa lalawigan ng Oriental Mindoro at Surigao del Norte, ayon sa opisyal kahapon.

Sa report, sinabi ni Army’s 2nd Infantry Division (ID) Spokesman Captain Jay Patrick Retumban, dakong alas-4:30 ng madaling araw nitong Huwebes nang masabat ng tropa ng mga sundalo ang tinatayang 15 armadong rebelde sa Brgy. Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro.

Sa nasabing pagpapa­nagpo ay agad nagkaroon ng palitan ng putok ang  tropa ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

Ayon kay Retumban sa nasabing pagpapanagpo ay dalawa sa mga rebelde ang napatay na inabandona ng mga nagsitakas na mga kasamahan habang isa namang M-16 rifle ang narekober.

Sa isa pang insidente bandang alas-10:00 naman ng umaga kamakalawa nang makabakbakan ng tropa ng Army’s 30th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng superbisyon ng Army’s 4th Infantry Division (ID) ang mga rebelde sa bisinidad ng Brgy. Muhanub, Gigaguit, Surigao del Norte.

Dito’y agad nagkaroon ng 30 minutong palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng isang rebelde na inabandona rin ng mga nagsitakas nitong kasamahan.

Nagpapatuloy naman ang pinaigting na opensiba ng tropa ng militar laban sa komunistang grupo na sangkot sa paghahasik ng terorismo. (Rhoderick Beñez at trainee Kim Maica Cabual)

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with