Agent Enrico Barba
PDEA agent tinorture, sinalvage!
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

‘Wag tularan, tulak ako!’

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang nawawalang assistant provincial officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Camarines Norte matapos i-salvage ng hinihinalang sindikato ng droga makaraang matagpuang may mga tama ng punglo sa mukha at katawan at may nakasulat na “Wag Tularan, Tulak Ako” sa ilalim ng drainage canal ng Brgy. Napolidan sa Lupi, Camarines Sur noong Lunes ng umaga.

Nakatali ang mga kamay at nababalutan ng packing tape ang bibig nang matagpuan ang biktima na kinilalang si Agent Enrico Barba, nasa hustong gulang. Hindi agad nakilala ng mga awtoridad ang biktima na nakasuot ng kulay brown na jacket, green t-shirt, puting shorts at nakasombrero na may tatak na “Converse”.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga nang makita ng mga residente ang nakalugmok na bangkay ng biktima sa loob ng drainage canal kaya agad na ipinagbigay-alam kay Brgy. Chairman Alberto Buere.

Natagpuan ng pulis­ya sa bulsa ni Barba ang isang kaputol na cardboard na may nakasulat na “Wag Tularan, Tulak Ako.” Nakita rin sa lugar ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril.

Kinondena naman ni PDEA Regional Director Christian Frivaldo ang brutal na pamamaslang sa kanyang provincial officer. Aniya, may indikasyon na dumanas ng torture si Barba bago pinagbabaril at itapon sa nasabing lugar.

Nauna rito, nawala ang biktima dakong alas-12 ng hatinggabi noong Linggo para kausapin ang isang informer o asset hinggil sa kalakaran ng droga sa bayan ng Daet at ‘di na nakabalik.

Nagsanib puwersa na ang National Bureau of Investigation (NBI), Camarines Sur Police at Camarines Norte Police sa imbestigasyon sa pagpatay sa PDEA agent.

Nakilala ang mga napaslang na sina Bassir Ayada Kamaong, 36, at Rashid Kadil Batunan, 37; magkapatid sa ina at taga-Datu Paglas, Maguindanao.  

Sa report ng Sultan Kudarat Police, naganap ang shootout mag-aalas-6:00 ng gabi ng Lunes matapos na matunugan ng mga suspek na police asset ang kanilang binebentahan ng iligal na droga sanhi upang magtangkang tumakas at makipagbarilan pa sa mga pulis na ikinasawi ng mag-utol.  

Nabatid na una nang ni-raid ng PDEA-ARMM ang pamamahay ng magkapatid sa ina na target ng operasyon sa bahagi ng Datu Paglas, Maguindanao.  

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol, cal. 22 revolver, hindi natukoy na rami ng shabu, motorsiklo, 2 cellphone, drug paraphernalia at mga personal na kagamitan. (Rhoderick Beñez) 

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with