Kinilala ang biktima na si Hercules Monreal, waiter, 21-anyos at naka­tira sa Catalunan Grande, Davao City.
Turista hulog sa falls, patay!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Patay ang isang turista matapos na aksidenteng mahulog sa pamosong Matigol Falls nang madulas habang umaakyat sa nasabing talon sa Sitio Inamong, Barangay Datu Ladayun, Arakan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Hercules Monreal, waiter, 21-anyos at naka­tira sa Catalunan Grande, Davao City.

Ayon kay Arakan Police chief, Chief Insp. Jose Marie Molina, aksidenteng nadulas ang biktima habang pumapanik sa talon kasama ang kaibigan dakong alas-11:00 ng umaga at dahil sa wala siyang makapitan ay bumagsak ito sa halos 100 metrong taas ng falls.

Nabatid na kampanteng mag-isang tinungo ni Moreal ang bahagi ng falls na madulas kung kaya naaksidente.  Hindi rin alam ng tour guide na siya ay tutungo sa nasabing bahagi ng falls.

CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with