^

Probinsiya

Umbagerong boypren tumalon sa pader, tigok

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng isang sadistang boyfriend ang pagtalon nito sa isang mataas na pader sa bigong pagtakas sa umaarestong pulis matapos nitong bugbugin ang kanyang nobya sa La Trinidad, Benguet kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Balas, 40 anyos, idineklarang dead-on-arrival sa Benguet General Hospital matapos na halos mabasag ang bungo at magkabali-bali ang buto sa insidente.

Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsuplong sa pulisya si Ruvilyn Herman, 27, ng JA-249 Pico, La Trinidad laban sa suspek makaraan siyang gulpihin nito dahil sa matinding pagseselos. Aniya, sinugod siya ng galit na galit na suspek sa kanilang tahanan at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pambubugbog.

 Agad na nagresponde ang La Trinidad Municipal Police at nasakote ang suspek saka siya dinala sa himpilan ng  pulisya. Habang isinasailalim sa booking procedure at nasa loob ng comfort room para maghugas ng kamay, itinulak umano ni Balas ang kanyang police escort saka nagtatakbo sa likuran ng compound ng Benguet General Hospital. 

Hinabol naman ng pulis ang suspek kung saan nang malapit nang abutan ay tumalon sa pader ng ospital pero sa kasamaang palad, unang bumagsak ang ulo nito sa compound ng isang Mr. Jeferson Sucdad.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with