^

Probinsiya

P50-M ‘hamon’ noong Pasko, kinuwestyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P50-M �hamon� noong Pasko, kinuwestyon
Ayon sa grupong Bantay-Pondo Nueva Ecija, aabot sa P50 milyong pondo mula sa kaban ng Nueva Ecija ang nilustay umano ng kapitolyo sa pagbili ng cooked-ham noong Disyembre.

MANILA, Philippines — Tinuligsa ng grupo ng mga taga-Nueva Ecija ang tila pagsasayang ng pondo ni Nueva Ecija Governor Czarina “Cherry” Umali matapos umanong bumili ng nasa P50 milyong halaga ng homemade na hamon na ipinamudmod ng kanyang asawa at bayaw noong nagdaang Pasko.

Ayon sa grupong Bantay-Pondo Nueva Ecija, aabot sa P50 milyong pondo mula sa kaban ng Nueva Ecija ang nilustay umano ng kapitolyo sa pagbili ng cooked-ham noong Disyembre.

Nanawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na kastiguhin si Gov. Umali upang hindi pamarisan ng iba ang walang pakundangang pag­lustay umano ng multi-milyong pondo ng gobyerno. Anila, mas maraming programa at serbisyo sana ang nabigyan ng katuparan kung ginamit ang pondong ito sa mga basic social services tulad ng edukasyon, ayuda sa kalusugan at subsidiya sa mga magsasaka.

Sa nakuhang vouchers at bidding documents ng grupo, nasa P45,625,000 ang pina-bid ng provincial government ng Nueva Ecija noong Setyembre 28, 2018 para sa pagbili ng 125,000 piraso ng hamon bilang Christmas gift ni Umali sa mga kaalyado sa probinsya.

Malisyoso rin anila ito dahil ang namudmod sa mga hamon ay ang asawa ng gobernadora na si Aurelio at bayaw na si Emma­nuel Anthony Umali na tandem sa pagka-gobernador at bise-gobernador sa kabila ng hatol ng office of the Ombudsman sa kanilang “perpetual disqualification” dahil sa parehong kasong katiwalian.

Pinaiimbestigahan din ng grupo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang LOOP General Merchandise na nag-cater sa paggawa ng mga hamon.

vuukle comment

CZARINA “CHERRY” UMALI

HAMON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with