Kuta ng Maute-ISIS nilusob: 3 terorista patay

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng nalalabi pang puwersa ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang napaslang habang marami ang naitalang nasugatan na nag­resulta rin sa pagkakakubkob ng kuta ng teroristang grupo sa 10 oras na bakbakan sa Lanao del Sur kamakalawa. 

Sa report ni Major Gen. Roseller Murillo, commander ng 1st Infantry Division at Joint Task Force (JTF) Zampelan (Zamboanga Peninsula and Lanao Provinces) ang bakbakan ay nag­umpisa dakong alas-8:10 ng umaga na umabot hanggang alas-6 ng gabi sa kagubatan ng Brgy. Sumalindaw, Sultan Du­malondong, Lanao del Sur.

Ayon kay Murillo, nasa 24 Maute-ISIS remnants ang nakasagupa ng JTF Zampelan na ikinasugat ng tatlong sundalo na mabilis na inilikas sa lugar at isinugod sa pagamutan.

Ang nasabing kampo na bumagsak sa JTF Ranao troops ay pinamumunuan ni Abu Dar, ang tumatayong lider ng nalalabi pang Maute-ISIS terrorist.

Show comments