^

Probinsiya

Kidnaper tumba sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang umano’y mi­yembro ng kidnap-for-ransom group ang napaslang matapos na makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na lugar sa Brgy. Sipakit, Sirawi, Zamboanga del Norte nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Lt. Col. Danilo Ambe, commander ng 42nd Infantry Battalion (IB) ng Phl Army, kinilala ang nasawing suspek na si Jul  Hassan, miyembro ng “Jamilon Tukalan Group” na sangkot sa kidnapping at extortion sa Zamboanga del Norte.

Bandang alas-7:30 ng gabi nang makasagupa ng tropa ng  42nd IB at ng mga nagpapatrol­yang pulis ang grupo ni Tukalan sa nasabing lugar. Sa kasagsagan ng putukan, duguang bumulagta si Hassan na agad binawian ng buhay. Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng security forces.

Narekober sa lugar ang isang cal. 45 pistol, isang cal. 38 revolver, isang granada at isang cellphone.

“We will continuously operate together with PNP to quell lawless armed groups in our area of responsibility,” pahayag ni 102nd IB commander Col. Bagnus Gaerlan.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Major Gen. Roseller Murillo, commander ng 1st Infantry Division (ID) at Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula at Lanao Provinces) ang matagumpay na operas­yon.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with