^

Probinsiya

Sanggol itinapon sa palayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himalang nabuhay ang isang bagong silang na sanggol na babae matapos na itapon ng kanyang walang pusong ina sa isang palayan sa lungsod ng Zamboanga kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-4:50 ng hapon nang ireport ng isang netizen ang pagkakatagpo nito sa munting anghel sa palayan ng Sitio Talungon, Brgy. San Roque ng lungsod na ito.

Ang sanggol ay may nakakabit pang umbilical cord  at buhay pa nang matagpuan ng isang concerned citizen habang naglalakad siya sa lugar.

Narinig ng hindi na pinangalanang residente ang pag-iyak ng sanggol na babae na may bahid pa ng dugo sa katawan. Agad nitong inireport sa mga awtoridad na mabilis na nagresponde sa lugar at nasagip ang sanggol na isinasailalim ngayon sa medical examination sa Zamboanga City Medical Center. (Joy Cantos)

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with