133 stude nalason sa spaghetti

Sa report ng CARAGA Police, nagkakaedad ng 5-10 ang mga estudyante ng St. Christine Elementary School sa Brgy. Saint Christine na hinihinalang biktima ng food poisoning.

MANILA, Philippines — Nasa 133 elementary pu­pils ang hinihinalang nalason makaraang kumain ng spaghetti na inihanda sa kanilang school Christmas party sa Lianga, Suriao del Sur kamakailan, ayon sa ulat kahapon. 

Sa report ng CARAGA Police, nagkakaedad ng 5-10 ang mga estudyante ng St. Christine Elementary School sa Brgy. Saint Christine na hinihinalang biktima ng food poisoning. 

Sa naantalang ulat, sinabi ng CARAGA Police naipara­ting lamang sa kanila kamakalawa ng hapon ang insidente ng mga magulang ng mga bata na na-ospital matapos makakain ng inihandang spag­hetti na pina-cater pa ng eskuwelahan noong Dis­yembre 14 pasado alas-10 ng umaga. Sinabi ni PO2 Anjon Bandoy ng Police Community Relations Office ng Lianga Police, 133 estudyante ang dumanas ng matinding pana­nakit ng tiyan, ulo, pagsusuka, pagkahilo at pagdudumi.

Nanatili pa sa pagamutan ang nasa 28 estudyante habang ang iba ay pinauwi na matapos na malapatan ng pangunahing lunas. (Rhoderick Beñez)

Show comments