PAMPANGA , Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang apat na nasa drug watchlist at nasamsaman ng P1 milyong halaga ng marijuana matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Sitio Mangga, Brgy. Pulong Bulo, Angeles City kamakalawa ng umaga. Sa ulat sa tanggapan ni Senior Inspector Enrico Vargas, Angeles City Police director, kinilala ang mga suspek na sina Jayvee Canillo, 21, ng Brgy. Pandan; Charles Liclican, 26, Baguio City; Joshua Manzano, 22, ng Brgy. Mining at Nicole Meneses, 23, ng Baguio City.
Nasamsam sa mga suspek ang bulto-bultong pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P1,050,000 ang halaga at P500 marked money. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.