70-anyos lolo durog sa trak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Durog ang isang 70 anyos na lolo matapos tumbukin ng rumaragasang trak habang tumatawid sa highway ng Brgy. District 1, San Manuel, Isabela noong Sabado ng gabi.? Kinilala ang biktima na si Domingo Agustin, ng nasabing lugar.?

Pinaniniwalaang dala ng katandaan kaya naabutan ng trak na minamaneho ni  Danilo Lacar Jr, 36, ang uugod-ugod na matanda na agad ding namatay kasunod ng sakunang nangyari dakong alas-8:45 ng gabi.? Sumuko naman ang drayber ng trak sa pulisya matapos ang insidente.

Show comments