Sa ulat ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Amador Corpus, kinilala ang nasakote na si Rey Claro Casambre, secretary ng National Education Department ng CPP, miyembro ng CPP-Central Committee at kabilang din sa kasapi ng NDF negotiating pa­nel na may tinutuluyang bahay sa #15 Damian Street, Brgy. Molino, Bacoor City.
NDF negotiator, misis timbog sa raid
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na elemento ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group, Joint Task Force–National Capital Region (JTF-NCR) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang isang negosyador ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) at misis nito sa isinagawang pagsalakay sa kanyang hideout  sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Amador Corpus, kinilala ang nasakote na si Rey Claro Casambre, secretary ng National Education Department ng CPP, miyembro ng CPP-Central Committee at kabilang din sa kasapi ng NDF negotiating pa­nel na may tinutuluyang bahay sa #15 Damian Street, Brgy. Molino, Bacoor City.

Arestado rin sa naturang operasyon ang misis nitong si Patricia Casambre.

Bandang alas-12:01 ng madaling araw nang masakote si Casambre at misis nito habang lulan ng kulay abong Toyota Vios (XKS 821)  sa operasyon sa Brgy. Niyog 3, Molino Boulevard, Bacoor, Cavite.

Si Casambre ay ina­resto base sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 32, 11th Judicial Region sa Lupon, Davao Oriental noong Nobyembre 23, 2018 kaugnay ng kasong murder na walang piyansa at 2 counts ng frustrated murder na may piyansang P120,000 bawat isang kaso.

 Hindi na nakapalag  ang target na si Casambre ng  makorner ng mga operatiba ng pulisya at militar alinsunod sa Oplan Pagtugis at Paglalansag Omega.  Nakumpiska sa pagiingat nito ang isang cal. 45 pistol, mga bala, isang granada, mga gamit sa paggawa ng bomba, dalawang cellphone, isang Macbook laptop, P6,000 cash at ang sasakyan nilang Toyota Vios.

ARRESTED RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with