Tour guide hulog sa talon, nalunod
KIDAPAWAN CITY , Philippines — Patay ang isang tour guide matapos madulas at mahulog sa isang talon at malunod sa ilog ng Matigol falls, Sitio Dilion Poblacion Arakan North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Leo Nalia, may asawa at residente ng Sitio inamong, Brgy. Datu Ladayon, nasabing bayan. Sa panayam kay Arakan Police chief Senior Inspector Josie Marie Molina, pasado alas-2 ng hapon kamakalawa habang tumatawid ang biktima kasama ang isang turista nang aksidenteng mahulog sa nasabing talon.
Nabagok ang ulo ng biktima sa malalaking bato at maging ang katawan nito dahilan ng kanyang kamatayan. Napag-alaman ding ilang araw ng umuulan sa lugar nang mangyari ang aksidente. Natagpuan ang bangkay ng biktima, 20 kilometro mula sa pinangyarihan ng aksidente.
- Latest