Pusher bulagta sa drug-ops

Nang magkapalitan na ng droga at pera ang suspek at poseur buyer na pulis ay dito na tinangkang arestuhin ito subalit pumalag ito saka binunot ang armas ngunit naunahan siya ng pulisya na nagresulta ng kanyang kamatayan.

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang 36-anyos na umano’y notoryus na ‘tulak’ ng shabu nang manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng umaga sa Cotabato City.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang suspek na kinilalang si Jonathan Macalawan alyas ‘Singkit’, taga-Barangay Rosary Heights 8.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga nang ikinasa ng mga pulis ang operasyon laban sa suspek sa Zenaida St, Barangay RH 8 ng lungsod.

Nang magkapalitan na ng droga at pera ang suspek at poseur buyer na pulis ay dito na tinangkang arestuhin ito subalit pumalag ito saka binunot ang armas ngunit naunahan siya ng pulisya na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nakuha mula kay Macalawan ang isang kalibre .45 baril, P500 marked money, apat na pakete ng hinihinalaang shabu, digital weighing scale, improvised tooter at mga empty plastic sachet.

Show comments