^

Probinsiya

Obrero kinatay ng kainuman sa naaksidenteng motor

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 20-anyos na construction worker ang nasawi matapos na walang habas na pagsasaksakin ng kanyang kainuman makaraang maaksidente ang hiniram niyang motorisiklo na pag-aari ng suspek sa Brgy.Tariwara sa bayan ng Pandan, Catanduanes, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronald Singson habang agad namang nadakma ng mga otoridad ang suspek na si Normito Bagay, 39-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, nag-iinuman si Singson at Bagay sa bahay ng isang Dennis Bermejo at nang malasing ay hiniram ng biktima ang motorsiklo ng suspek.

Gayunman, ilang sandali bumalik na naglalakad ang biktima at sinabi sa suspek na naaksidente at sumemplang ang kanyang motorsiklo at nangakong babayaran at ipapaayos na lamang ni Singson ang lahat ng mga nasira.

Magkasamang tinungo pa ng suspek at biktima ang motorsiklo pero nang makitang malaki ang kasiraan ay biglang bumunot ng balisong si Bagay at pinagsasaksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Singson.

Sinubukan pang isugod ng mga kainuman ang biktima sa ospital pero idineklara itong patay.

vuukle comment

CONSTRUCTION WORKER STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with