4 trader minasaker sa videoke bar!

?Kinilala ni Chief Insp. Ramon Macarubbo, hepe ng Lal-lo Police, ang mga biktimang sina Eugene Javier, misis nitong si Princess, ang kaanak nilang si Ramsey Javier at misis na si Mikaela na pawang mga may-ari ng Starbabe Videoke Bar.?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat na negos­yante at magkakasosyo sa isang videoke bar ang patay matapos na i-masaker ng dalawang hindi kilalang  berdugo sa loob mismo ng kanilang establisimyento sa Brgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan kahapon ng madaling araw.

?Kinilala ni Chief Insp. Ramon Macarubbo, hepe ng Lal-lo Police, ang mga biktimang sina Eugene Javier, misis nitong si Princess, ang kaanak nilang si Ramsey Javier at misis na si Mikaela na pawang mga may-ari ng Starbabe Videoke Bar.?

Ayon kay Macarubbo, huling nasaksihan ang mga biktimang nakikipagtalo sa dalawang suspek na kustomer nila sa bar  bago narinig ang sunud-sunod na putok ng baril dakong ala-1:30 ng mada­ling araw.?

Nang mahawi ang usok sa bar, nakitang duguang nakabulagta ang mga biktima at patay na habang naglahong parang salamangkero ang mga suspek na sinasabing sakay ng isang motorsiklo. ?

Nagkalat ang mga basyo ng bala ng cal. 45 at cal. 9mm sa crime scene, dagdag ni Macarubbo.

Show comments