Road mishap: 1 dedo, 3 sugatan

Sinabi ni DOS chief of police, Chief Inspector Sabri Lakibul, na pasado alas-7 ng umaga kahapon nang mangyari ang aksidente na nagresulta sa pagkamatay ni Victorino Pedisilda, 58, dealer ng isang herbal medicine at residente ng Cebu City.
File Photo

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isa katao ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan sa vehicular crash kahapon ng umaga sa Sitio Bualan, Brgy. Baka, Datu Odin Sinsuat (DOS), Maguindanao.

Sinabi ni DOS chief of police, Chief Inspector Sabri Lakibul, na pasado alas-7 ng umaga kahapon nang mangyari ang aksidente na nagresulta sa pagkamatay ni Victorino Pedisilda, 58, dealer ng isang herbal medicine at residente ng Cebu City.

Sa ulat, sinalpok ng isang Toyota Wigo na minamaneho ni Haider Akmad, 28, ng Brgy. Kuritem ang kasalubong nitong Hyundai Accent na minamaneho naman ni Nasrudin Salik, 27, residente rin sa lugar.

Sakay din sa naturang sasakyan ang nakababatang kapatid ni Akmad na si Harisha Akmad, 18, at ang business partner nitong si Pedisilda na nasawi sa aksidente. Nabalian ng paa si Salik habang bahagyang sugat ang tinamo ng magkapatid na Akmad. 

Show comments