Mag-biyenan nagduwelo: Lolo tigok

Pinaniniwalaang nag-ugat sa agawan sa pulutan ang pagtatalo ng mag-biyenan na nauwi sa duwelo ng dalawa na may kanya-kanyang tangan na patalim.? Ipinasa ng mga opisyal ng barangay sa pulisya si Subang matapos ang krimen.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Utas ang isang 60-anyos na lolo nang katayin ng sariling manugang kasunod ng mainit nilang pagtatalo sa kanilang laklakan sa Barangay Dibulo, Dinapigue, Isabela noong Linggo. ?Sa report, patay na nang mairating sa pagamutan ang mangingisdang si Eugenio Sta. Ana habang dinampot ng mga nagrespondeng barangay tanod ang manugang nitong si Rene Subang, 34, matapos ang krimen na naganap sa kanilang bahay dakong alas-2:00 ng hapon.

Show comments