Trak vs. motorbike: Stude durog

Sa report, pauwi na sa bayan ng San Isidro si Clint Jefferson Herbacio nang makasalpukan nito ang kasalubong na trak na minamaneho ni Marcelo Cruz, 64, ng Norzagaray, Bulacan dakong alas-3:30 ng madaling araw.?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Utas ang isang 16-anyos na Grade 10 student matapos masalpok ang minamanehong motorsiklo ng kasalubong na trailer truck sa Barangay Soyung, Echague, Isabela kahapon.

Sa report, pauwi na sa bayan ng San Isidro si Clint Jefferson Herbacio nang makasalpukan nito ang kasalubong na trak na minamaneho ni Marcelo Cruz, 64, ng Norzagaray, Bulacan dakong alas-3:30 ng madaling araw.?

Pinaniwalaang naantok ang biktima na sanhi upang salubungin nito ang trak na agad nitong ikinamatay. ?Dinakip ng mga nagrespondeng pulis ang drayber na lolo matapos ang insidente.

Show comments