Karambola ng 7 sasakyan: 2 patay, 7 sugatan

Kinilala ang mga nasawi na sina Ariel Napalcruz, 31, dead-on-the-spot at Mario Balabag na dead-on-arrival naman sa pagamutan dahil sa mga tinamong matitinding sugat sa katawan.

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang pito pa ang nasugatan sa karambola ng pitong sasakyan kabilang ang isang military truck sa national highway ng Purok Maabtikon, Brgy. Paglaum, Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

 Kinilala ang mga nasawi na sina Ariel Napalcruz, 31, dead-on-the-spot  at Mario Balabag na dead-on-arrival naman sa pagamutan dahil sa mga tinamong matitinding sugat sa katawan.

 Kaslaukuyan namang nilalapatan ng lu­nas sa pagamutan ang mga sugatang sina Corporal Fedilo Tabotabo, kasapi ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army; Ronie Asilo, 40; Esterlita Asilo, 66; Simplicio Noval Sr., 49; Juldan Aiyadi, 21; Liezel Pepito, 24, at Milky Magsayo, 26.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naitala ang karambola ng pitong sasakyan sa national highway ng Purok Maabtikon sa Brgy. Paglaum, Dumalinao dakong alas-9 ng umaga. Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang isang kulay asul na  6 wheeler fish truck (XFA 897) nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver habang palusong na bahagi ng kalsada. Masyado umanong mabilis ang takbo ng truck bunsod upang masalpok nito ang mga kasunod na behikulo na  nagresulta sa karambola. Bunga nito, nagbanggaan ang Toyota Corolla (A1 F975), isang Toyota Wigo (NPDL), Mitsubishi truck, isang MC-XRM na motorsiklo; truck ng 44th Infantry Battalion (SKM 308) na minamaneho ni Staff Sergeant Anthony Frando at  dump truck (RFP 189) at ang nasabing fish truck.

Show comments