2 âtulakâ todas sa shootout!
Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Kirby John Kraft, dakong alas- 3:50 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-drug operation ang pulisya sa Brgy. San Antonio, Biñan City ng lalawigan.
Joven Cagande/File
2 ‘tulak’ todas sa shootout!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers ang napatay matapos manlaban sa mga ope­ratiba ng pulisya habang pito pa ang nasakote na naaktuhang nagpa-pot session sa drug bust operation sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Laguna nitong Biyernes.

Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Kirby John Kraft, dakong alas- 3:50 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-drug operation ang pulisya sa Brgy. San Antonio, Biñan City ng lalawigan.

Ayon kay Kraft, nang makatunog ang suspek na si Michael Karikitan na undercover agent ng pulisya ang kanyang ka-deal kaya bumunot ng baril at agad nagpaputok na nauwi sa shootout na siya nitong ikinamatay.

Narekober mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol, tatlong cartridge ng M16 rifle, pitong sachet ng shabu at P1,170 cash na pinaniniwalaang pinag­bentahan nito sa droga.

Bandang alas-3 naman ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation na nauwi sa shootout sa Kalye Onse, Brgy. Butong sa lungsod ng Cabuyao na ikinasawi ng suspek na si Mark Magno alyas Bothoc, nasa drug watchlist ng pulisya. Nakumpiska sa operasyon ang ilang sachet ng shabu at P 3,000 cash na hinihinalang kinita ng suspek sa pagbebenta ng shabu.

Samantala, natiklo ng pulisya matapos na maaktuhang nagpo-pot session alas-4 ng mada­ling araw sa buy-bust operation sa Brgy. Sto Niño, Biñan City ang mga suspek na sina Noelito Espectacion, Cresendo Samson, Ian Delgado, Jerome Cabatbat, Romano Balderan, Eric Carta at Jeffrey Cula. Nasamsam sa kanila ang dalawang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia na ginamit sa pot session.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with