^

Probinsiya

Misis kinatay ng selosong mister

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Misis kinatay ng selosong mister
Sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, wala nang buhay nang matagpuang duguang nakahandusay sa kahabaan ng kalsada ‘di kalayuan sa kanilang ta­hanan sa naturang lugar ang biktimang si Joy Lumanta Lajos, 37-anyos.
File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ma­tinding paninibugho ang nagtulak sa isang mister upang mapatay nito ang kanyang misis makaraang walang habas na ina­tado ng saksak bago nagtangkang magpakamatay sa nangyaring karumal-dumal na insidente sa Brgy. Madasigon, Molave, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, wala nang buhay nang matagpuang duguang nakahandusay sa kahabaan ng kalsada ‘di kalayuan sa kanilang ta­hanan sa naturang lugar ang biktimang si Joy Lumanta Lajos, 37-anyos.

Samantalang ang mister nito na si We­ne­boy Lajos, 38-anyos ay isinugod naman sa Salug Valley Medical Center sa bayan ng Mo­lave matapos na magsaksak sa sarili sa bigong pagpapatiwakal nito.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-2:20 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen sa nakita nitong ginang na duguang nakahandusay sa tabi ng kalsada.

Nagresponde naman ang pulisya kung saan ‘di kalayuan sa kinalu­lugaran ng ginang ay nakita naman sa pintuan ng kanilang tahanan ang duguang mister na nagsaksak din sa sarili matapos mapatay ang misis.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na matinding se­los ang motibo sa krimen habang positibo namang kinilala ng anak na si Wene Jane Lajos, 17-anyos, ang matalim na kutsilyo na narekober ng mga otoridad sa crime scene na pag-aari ito ng kaniyang ama.   

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with