^

Probinsiya

Taekwondo instructor na ‘tulak’, dedo sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Taekwondo instructor na �tulak�, dedo sa buy-bust
Kinilala ng Lucena City Police ang suspek na napatay sa shootout na si Randolf Coronado, 27, may live-in partner at umano’y anak ng high value target na si Rex Coronado na sinasabing lider ng Coronado drug group na kumikilos sa 2nd district ng Quezon province.
File Photo

MANILA, Philippines — Hindi nagamit ng isang taekwondo instructor na sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga at kabilang sa drug watch list ang kanyang kakayahan makaraang mapatay nang kumasa sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) habang isinasagawa ang anti-drug operation sa Brgy. Ilayang Ilam sa Lucena City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Lucena City Police ang suspek na napatay sa shootout na si Randolf Coronado, 27, may live-in partner at umano’y anak ng high value target na si Rex Coronado na sinasabing lider ng Coronado drug group na kumikilos sa 2nd district ng Quezon province.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon laban sa suspek sa Purok Pagkakaisa, Jael Subdivision, ng naturang lugar, kung saan nakabili ang poseur buyer na pulis ng .36 gramo ng shabu mula sa suspek.

Nakahalata ang suspek na pulis ang ka-deal kung kaya’t agad na bumunot ng baril na kalibre .38 baril at nagpaputok na sa kabutihang palad ay walang tinamaan na pulis.

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis kung saan napuruhan ang suspek.

Nakuha buhat sa bulsa ng suspek ang isang coin purse na naglalaman ng ilan pang piraso ng heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with