64-anyos lady trader itinumba

Idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga del Sur Medical Center ang biktima na si Norma Apiag, may asawa at residente ng nasabing lugar dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 64-anyos na negosyanteng babae ng hindi pa nakilalang mga suspek sa San Pablo, Zamboanga del Sur noong Lunes ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga del Sur Medical Center ang biktima na si Norma Apiag, may asawa at residente ng nasabing lugar dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. 

Sa report, sinabi ni Chief Inspector Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-8:45 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot sa Purok Malipayon, Poblacion ang ‘di kilalang mga armadong salarin at nang matiyempuhan ang negosyante ay bigla na lamang pinagbabaril at saka sila tumakas. (With trainee Hermie Rivera)

Show comments