Sa ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel ng Santa Maria Police, dakong alas-11:45 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Zaguirre. Nakatunog ang suspek na pulis ang ka-deal hanggang sa nagtatakbo at nagpaputok bunsod nang barilan na ikinasawi nito.
2 todas, 2 pa huli sa drug bust
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2018 - 12:00am

BULACAN  , Philippines  —  Dala­wang lalaking umano’y tulak ng shabu ang nasawi matapos na kumasa sa pulisya habang arestado ang mag-live-in partner sa isinagawang drug bust operation sa magkaka­hiwalay na lugar sa Santa Maria at San Jose Del Monte City, nitong Huwebes ng gabi at Biyernes ng madaling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala na nagresulta ng kamatayan ng unang suspek na kinalaunan ay kinilalang sina Ryan Zaguirre, 32, ng Las Palmas Subdivision, Brgy. Caysio, Santa Maria at Ramon Maningas habang nakatakas ang kasabwat nito na kapwa residente ng San Jose Del Monte City.

Ang naarestong mag­live-in ay sina Rebecca Concepcion, 46, at  Napoleon Aguilar, 60; kapwa ng Brgy. Fatima IV, Sapang Palay, San Jose Del Monte City.

Sa ulat ni P/Supt. Carl Omar Fiel ng Santa Maria Police, dakong alas-11:45 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Zaguirre. Nakatunog ang suspek na pulis ang ka-deal hanggang sa nagtatakbo at nagpaputok bunsod nang barilan na ikinasawi nito.

Samantala,  dakong alas-12:30 ng madaling araw nang manlaban sa mga tauhan ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose Del Monte Police at napatay ang suspek na si Maningas sa buy-bust operation sa Bagong Buhay I.

Nasakote naman ang maglive-in matapos ang buy-bust operation sa Brgy. Fatima IV, Sapang palay, San Jose Del Monte City.

CRIME SHOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with