HVT huli sa P6.5-M shabu sa buy-bust

Kinilala ni Supt. Reymar Tolentin, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 7 Central Visayas, ang nasakote na si Rainhard Barring Moreno, 29 anyos, nakatala bilang HVT sa drug watchlist ng Cebu City Police.

MANILA, Philippines — Umiskor ang anti-drug ope­ratives ng pulisya makaraang maaresto ang isang high value target (HVT) na nakumpiskahan ng P6.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Upper Kawayan, Brgy. Sambag 2, Cebu City nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Supt. Reymar Tolentin, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 7 Central Visayas, ang nasakote na si Rainhard Barring Moreno, 29 anyos, nakatala bilang HVT sa drug watchlist ng Cebu City Police.

Bandang alas-6:35 ng umaga nang masakote si Moreno sa operasyon ng mga operatiba ng Cebu City Police sa nasabing lugar.

Nabatid na una nang nasakote sa pag-iingat ng nabulphine, isang uri ng itinuturok na droga noong 2016 at muling nasakote nitong nakalipas na taon nang mahulihan ng drug paraphernalia ng nasabing uri ng droga.

Nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa aktibong pagbebenta muli ng suspek ng nasabing itinuturok na uri ng droga na ang epekto ay nagdidiliryo ang gagamit nito at mawawala sa katinuan bukod pa sa iba pang uri ng pinsala sa kalusugan ay agad na nag-operate ang mga awtoridad.

Sinalakay ng mga ope­ratiba ang drug den ni Moreno at mismong mga awtoridad ay nasorpresa nang tumambad sa kanila ang bulto ng shabu na nasa P6.5 milyon na nasa pag-iingat nito.

Nakumpiska rin ng mga operatiba ang P12,000 cash na ginamit sa buy- bust ope­ration.

Show comments