Sanhi ng mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si retired PO2 Willy Amores.
Edd Gumban
Ex-cop itinumba
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang bagong reti­rong pulis matapos siyang ratratin ng ‘di pa natutukoy na armadong riding-in-tandem sa Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Huwebes ng madaling araw.

Sanhi ng mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din ang biktimang si retired PO2 Willy Amores.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, habang sakay ng kanyang motorsiklo kaangkas ang isang babae at binabagtas ang kalsada sa nasabing lugar nang harangin sila ng mga suspek. Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay big­la na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na duguang tumilapon sa motorsiklo sa insidente.

Samantalang hindi naman binaril ng mga suspek ang backrider ng nasabing parak na nagtamo lamang ng mga galos sa katawan matapos na sumemplang ang motor.

Matapos na matiyak na patay na ang kanilang target ay tinangay pa ng mga ito ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng pera at baril.

COP SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with