Sa report na nakarating sa 5th Army Division sa Gamu, Isabela, nakilala lamang ang mga nasawi sa mga pangalang Sgt. Bakiwan at Pfc. Mayo.
2 sundalo patay vs. NPA
Raymund Catindig, Victor Martin, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang dalawang Army habang apat pa sa kanilang hanay kabilang ang isang tinyente ang sugatan matapos na makabakbakan ang mga pininiwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Dicamay 2, Jones, Isabela kahapon ng madaling araw.

Sa report na nakarating sa 5th Army Division sa Gamu, Isabela,  nakilala lamang ang mga nasawi sa mga pangalang Sgt. Bakiwan at Pfc. Mayo.

Ang mga sugatan naman ay sina Pfc. Novel Maramag, Sgt. Mangawit, Pfc. Pablo at Lt. Joshua Bario na nanguna sa platoon ng 54th Army Battalion na naka-enkwentro ng hindi natukoy na bilang ng mga armado dakong alas-4:47 ng madaling araw.

Sa hindi kalayuan sa Barangay San Miguel sa katabing bayan ng Echague sinasabing nanggaling ang mga rebelde na nagsi-atrasan sa engkuwentro laban sa army noong Martes.

Limang M-16 armalite rifles, dalawang rocket grenades, tatlong improvised explosives, apat na detonating cords at sari-saring mga medical equipments na iniwan ng mga rebelde ang narekober ng militar sa Echague.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with