^

Probinsiya

Dating sumuko, tumba sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dating sumuko, tumba sa drug ops
Sinusuri ng SOCO ang nakabulagtang katawan ng drug suspect na si Erwin Alvarez matapos na umano’y kumasa sa mga tauhan ni Provincial Director P/Sr. Supt. Ritchie Medardo Posadas sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Poblacion I, Moncada, Tarlac kamakalawa.
Boy Cruz

TARLAC , Philippines  —  Nasawi ang lalaking dating drug surrenderee matapos na kumasa ito sa pulisya habang isinasagawa ang drug bust operation sa isang lugar sa Brgy. Poblacion I, Moncada, Tarlac nitong Sabado ng hapon.

Kaagad na nasawi sa lugar ang suspek na si Erwin Alvarez,30, ng Brgy. Burgos, naturang bayan.

Sa ulat kay Provincial Director P/Sr. Supt. Ritchie Medardo , dakong alas-2:05 ng hapon nang ikasa ng Moncada Police-Drug Enforcement Unit ang operasyon sa Brgy. Poblacion I matapos na makumpirmang patuloy na nagbebenta ng marijuana ang suspek sa iba’t ibang lugar sa Moncada. Habang nakikipag-usap ang isang tauhan ni P/Chief Insp. Palmyra Guardaya ng Moncada Police sa suspek at naibigay na ang binibiling droga, dito na sumenyas ang pulis para siya ay arestuhin. Pero bago pa man makalapit ang mga operatiba, nakatunog na ang suspek at binunot ang isang granada subalit agad siyang nabaril ng mga pulis.

Narekober ng SOCO sa lugar ang isang .22 revolver, mga bala, isang granada, isang sling bag na may dalawang malaking plastic zip lock na may lamang marijuana, P200 marked money, mga pera  na hinihinalang pinagbentahan ng droga at mga personal na kagamitan. 

DRUG BUST OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with