^

Probinsiya

Motorsiklo sinuwag ng trak: 3 patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sinuwag ng trak: 3 patay!
Dead-on-the-spot sa insidente si Ernesto Gargar, 37-anyos, driver ng motorsiklong Honda Wave habang ang dalawang backriders nito na sina Charrize Abundo, 14 at Babymore Sta Ana, 14; pawang estudyante ng Makilas National High School sa bayan ng Ipil ay kapwa dead-on-arrival sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang dalawang estudyan­te ang nasawi makaraang suwagin ng isang rumaragasang truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong Biyernes ng hapon.

Dead-on-the-spot sa insidente si Ernesto Gargar, 37-anyos, driver ng motorsiklong Honda Wave habang ang dalawang backriders nito na sina Charrize Abundo, 14 at Babymore Sta Ana, 14; pawang estudyante ng Makilas National High School sa bayan ng Ipil ay  kapwa dead-on-arrival sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital.

Sa report ng Police Regional Office-9, dakong alas-4:30 ng hapon habang binabag­tas ng mga biktima ang kahabaan ng natio­nal highway sa Purok Malipayon, Brgy. Buluan nang mabangga sila ng Mitsubishi Fuso Canter (130110) na minamaneho ni Elias Dagopolo. Masyado umanong ma­tulin ang takbo ng truck na nag-overtake sa mga behikulo pero minalas namang mahagip ang motorsiklo sa insidente. Sa lakas ng bangga, tumilapon ang mga biktima na pawang nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng ulo na kanilang  ikinasawi.

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trak na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with