6 ‘tulak’ todas sa Cebu drug ops

Kinilala ang mga na­patay na suspek na sina Rodel Econas ng Brgy. Lagtang, Zebar Canciancio ng Brgy. Lawaan 2, Rene Fernan­dez, taga Brgy. Tangke; pawang sa Talisay City; Joseph Taoy ng Brgy. Poblacion, Carmen; Carl Niño Macachor at Ranchie Cas­tañeda ng Brgy. Guizo; pawang sa Mandaue City.

MANILA, Philippines — Anim na mga pinag­hihinalaang notoryus na tulak ng droga ang napaslang sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa Cebu kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga na­patay na suspek na sina Rodel Econas ng Brgy. Lagtang, Zebar Canciancio ng Brgy. Lawaan 2, Rene Fernan­dez, taga Brgy. Tangke; pawang sa Talisay City; Joseph Taoy ng Brgy. Poblacion, Carmen; Carl Niño Macachor at Ranchie Cas­tañeda ng Brgy. Guizo; pawang sa Mandaue City.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Chief Supt. Debold Sinas, pasado ala-1 ng madaling araw nang magsagawa ng serye ng anti-drug operations ang kanilang mga tauhan sa mga lungsod ng Mandaue, Talisay, Lapu-Lapu at maging sa bayan ng Carmen ng lalawigan base sa 22 search warrants at 30 warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa mga drug personalities.

Nasa 18 buy bust ope­rations din ang isina­gawa sa Metro Cebu.

Namaril umano ang mga suspek sa arres­ting team bunsod upang magkaroon ng shootout na ikinasawi ng mga target na drug personali­ties. Nasa 74 drug personalities ang nasakote habang nasa 721 namang shabu na nagkakahalaga ng P8.2 milyon ang nakumpiska sa ope­rasyon.

Show comments