^

Probinsiya

Tricyle sumalpok sa poste: Pasahero dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tricyle sumalpok sa poste: Pasahero dedo
Dead-on-arrival sa St. Therese Hospital ang biktimang si Emerciana Religioso, bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan, habang nilalapatan ng lunas ang driver ng tricycle na si Crisologo Refraccion, kapwa nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang babaeng pasahero habang sugatan ang driver ng isang tricycle matapos na mawalan ng kontrol sa manibela at aksidenteng bumangga sa isang konkretong poste sa Morong, Rizal kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa St. Therese Hospital ang biktimang si Emerciana Religioso, bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan, habang nilalapatan ng lunas ang driver ng tricycle na si Crisologo Refraccion, kapwa nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon habang sakay ng tricycle ang mga biktima at bumibiyahe sa Sitio Taghangin, Brgy. Maybancal patu­ngo sa direksyon ng Teresa, Rizal nang pagsapit nila sa naturang lugar ay nawalan ng kontrol sa manibela si Refraccion. Lumiko pakanan ang tricycle hanggang sa tuluyang bumangga sa isang konkretong poste na nagresulta sa malubhang pinsala ng mga biktima at kanilang sasakyan.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with