^

Probinsiya

HVT todas, 2 huli sa drug ops

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
HVT todas, 2 huli sa drug ops
Sa ulat ni Quezon Police director, Sr. Supt. Osmondo de Guzman, kinilala ang napaslang na si Magtanggol Florante de Castro, 41, drug personality regionwide at residente ng nasabing barangay habang nakapiit na sa municipal jail sina Joel Salud at Julius Tatlonghari na nakumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu at dalawang granada.

CANDELARIA, Quezon  , Philippines  —  Patay ang high value target  makaraang umano’y makipagbarilan sa mga operatiba ng Candelaria Police, Regional Special Operations Unit (RSOU) at Regional Intelligence Team (RIT) habang dalawang iba pa ang naaresto at nakumpiskahan ng baril, granada, mga bala at droga sa isinagawang raid kamakalawa ng umaga sa Sitio Kalamias, Brgy. San Isidro, ng nasabing bayan.

Sa ulat ni Quezon Police director, Sr. Supt. Osmondo de Guzman, kinilala ang napaslang na si Magtanggol Florante de Castro, 41, drug personality regionwide at residente ng nasabing barangay habang nakapiit na sa municipal jail sina Joel Salud at Julius Tatlonghari na nakumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu at dalawang granada.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga habang isinisilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa suspek nang magpaputok ang huli na nagbunsod ng shootout na ikinabulagta nito.

Narekober ng SOCO sa bahay ng suspek ang ilang magazine at bala ng M-16 armalite rifle, carbine at cal. 9mm at 5.87 gramo ng shabu.  Natiklo naman sa loob ng bahay sina Tatlonghari at Salud na hinihinalang gumagamit ng droga. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with