118 sympathizers ng NPA sumuko

Ayon kay Lt. Col. Ronald Ilana, commanding officer ng Army’s 8th Infantry Battalion, ang pagsuko ng mga sympathizers o supporters ng NPA terrorists ay matapos naman ang matagumpay na diyalogo na isinagawa ng mga lokal na opisyal.

MANILA, Philippines — Umaabot sa 118 sympathizers ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa Brgy. Bulonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa, ayon sa isang opisyal kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Ronald Ilana, commanding officer ng Army’s 8th Infantry Battalion, ang pagsuko ng mga sympathizers o supporters ng NPA terrorists ay matapos naman ang matagumpay na diyalogo na isinagawa ng mga lokal na opisyal.

“Our Community Support Program (CSP) teams, found-out that there are Milisyang Bayan and NPA terrorist supporters in the area,” anang opis­yal.

Ang mga NPA supporters ay mga nagbibigay umano ng pagkain sa mga armadong rebelde na bumababa sa kapatagan bukod pa rito ay sa kanilang mga bahay tumutuloy ang komunistang grupo, gayundin sa pamimili ng mga supply upang makaiwas sila sa tropa ng mga sundalo na nag­papatrolya sa kabaya­nan.

Kasabay ng kani­lang pagsuko, sinunog nila ang bandilang kulay pula ng Communist Party of the  Philippines (CPP).

Show comments