^

Probinsiya

2 ‘holdaper’ todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 �holdaper� todas sa shootout
Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Jonald Llames at Enrique Sta. Ana, pa­wang miyembro ng notoryus na “Sta. Ana robbery holdup gang” na nag-ooperate sa lalawigan.

MANILA, Philippines — Napaslang ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang makaraan umanong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Tinambac, Camarines Sur kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Jonald Llames at Enrique Sta. Ana, pa­wang miyembro ng notoryus na “Sta. Ana robbery holdup gang” na nag-ooperate sa lalawigan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, dakong alas-2:15 ng madaling araw habang papasok at isinisilbi ng mga awtoridad ang search warrant sa safehouse ng mga suspek sa Brgy. Bagacay ng bayang ito nang salubungin umano sila ng mga putok ng mga suspek na nauwi sa barilan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng putukan, magkasunod na tumimbuwang ang dalawang target na suspek.

Bukod sa serye ng robbery/holdup, sinasabing sangkot din ang mga suspek sa illegal  drug trade at illegal possession of firearms and ammunition.

vuukle comment

CRIME

HOLDUP GANG

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with