Bahay gumuho: Grade 9 stude patay

CAVITE, Philippines — Sanhi ng walang humpay na pag-ulan nitong mga nagdaang araw, isang bahay ang gumuho kung saan isang 14-anyos na grade 9 student ang nasawi kamakalawa sa Brgy. Talaba 2 Bacoor, Cavite.

Agad na nasawi sa lugar ang biktima na si Steven Gale, residente ng naturang lugar. Sa ulat ng pulisya, alas-10:45 ng umaga habang kasagsagan ng malakas na ulan at kasaluku­yang nasa balkonahe sa ikalawang palapag ng bahay ang biktima nang bigla itong gumuho. Dire-diretsong bumagsak ang buong terrace kasama ang biktima. 

Agad nagtulung-tulong ang mga residente upang maialis ang katawan ng biktima mula sa mga batong dumagan sa kanya subalit patay na.

Show comments