^

Probinsiya

Ginang itinumba sa bar

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang ginang na floor manager ng isang bar matapos na siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng kanyang pinagtatrabahuhang bar sa Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Marilou Villarin, nasa hustong gulang, floor manager ng Rein Zairin Resto bar, na mata­tagpuan sa E. Rodriguez Highway, Barangay Manggahan, Rodriguez, bunsod ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling araw ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kaibigan sa harapan ng naturang bar ang biktima nang lapitan ng suspek at pinagbabaril, na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na nakatakas sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo matapos na matiyak na napatay nito ang biktima.

vuukle comment

FLOOR MANAGER SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with