‘Tulak’ todas sa buy bust

CAVITE  , Philippines  —  Bulagta ang isa umanong kilalang “drug pusher” makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang napatay na suspek na si Julius Jepson alyas Bunso Atan, 29-anyos, ng Green Valley, Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City. Sa ulat ng pulisya, alas-4:10 ng madaling araw nang ikasa ng City Drug Enforcement Team operatives ng Bacoor City Police Station at PDEA PRO- 4A ang buybust operation laban kay Jepson.

Isang pulis at isang asset ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng shabu sa target sa bahay nito sa Green Valley Brgy. San Nicolas 3, ng lungsod na ito. Nang makahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon, agad siyang nagtatakbo sa loob ng kanyang bahay. Agad siyang sinundan ng mga pulis pero sinalubong sila ng putok mula sa suspek na nauwi sa engkuwentro at bumulagta ang huli

Show comments