Waging kapitan kinasuhan ng murder

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sinampahan ng kasong kriminal ng pulisya ang  isang nanalong punong barangay kaugnay sa pagpaslang sa kanyang kalabang nakaupong kapitan sa Brgy. Trinidad, Mallig, Isabela kahapon. ?

Sinabi sa PSN ni Isabela Police Director Sr.Supt Mariano Rodriguez na may mga saksing nagturo kay Jolly Ladiero na noon ay nangungunang kagawad na umano’y isa sa mga pumatay kay Chairman Bartolome Mackay na noon ay nag-eehersisyo sa bukirin.?

Ayon kay Rodriguez, lumakas ang ebidensiya laban sa bagong halal na opisyal matapos na magpositibo sa paraffin test na isinagawa ng PNP Crime Laboratory. ?Tinalo ni Ladiero ang nag-iisa nitong kalaban sa pagka-tserman na biyuda ni Mackay na tumayong substitute candidate noong May 14 elections.

Show comments