Obrero itinumba habang naliligo
MANILA, Philippines — Isang lalaki ang pinagbabaril habang naliligo sa poso naganap kamakalawa sa Obando,Bulacan.
Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Roberto Lakindanum,41,obrero,residente ng Brgy.Binuangan,Obando.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Maxiniño Yabut dakong alas-10:00 ng umaga ay kasalukuyang naliligo sa poso si Lakindanum sa isang eskinita nang dumating ang dalawang hindi nakilalang lalaki at nang makalapit ay pinutukan ito sa ulo at katawan.
Nang masigurong patay na ay kaswal na naglakad ang mga suspek papatakas.
- Latest