^

Probinsiya

Rider nalaglag sa kanal, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalasog ang katawan at namatay noon din ang isang 16-anyos na binatilyo matapos mahulog ang kanyang minamanehong scooter sa drainage canal sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Sta Rosa Norte sa bayan ng Jose Pa­nganiban, Cam Norte noong Miyerkules ng madaling araw.

Sinubukan pang isugod sa Jose Panganiban Primary Hospital, pero dineklarang dead-on-arrival ang biktimang nakilalang si John Ray Timbal, residente ng Purok 2 ng nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay mabilis na minamaneho ng biktima ang kanyang scooter at binabaybay ang nasabing kalsada nang mawalan ng kontrol pagdating sa pakurbang bahagi ng daan.

Na naging dahilan para mahulog sa malalim na drai­nage canal na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan na kanyang ikinasawi.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with