5 BIFF dakip sa assault ops
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng tropa ng militar ang limang pinaghihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)  inspired sa isinagawang assault operation sa kuta ng mga lokal na terorista sa liblib na lugar sa bayan ng Paglat, Ma­guindanao kamakalawa.

Sa ulat ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Commander ng Army’s 33rd Infantry Batta­lion (IB) bandang alas -5:30 ng umaga nang isagawa ng pinagsanib na elemento ng Special Action Force at ng kaniyang mga tauhan ang assault operation na ang target ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) faction na pinamumunuan ni Sindatok Dilna alyas Motolite na kilalang kapanalig ni Gani Saligan ng BIFF.

Pinaigting ang opensiba na ginamitan ng armored vehicles mula sa 1st Mecha­nized Infantry Battalion (IB) at  ng assault  team ng Army’s 33rd Infantry Battalion at 4th Special Action Battalion laban sa natukoy na pinagkukutaan ng nasabing grupo ng BIFF sa liblib na lugar sa Brgy. Tual ng bayang ito at naaresto ang lima habang nagtatangkang tumakas.

Narekober sa lugar ang tatlong mga armas na kinabibilangan ng isang cal 5.56 MM AR 18, armalite rifle at dalawang M1911 A1 cal 45 pistol.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with