Pastor arestado sa 2 kasong rape

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  — Kalaboso ang bagsak ng isang pastor ng Espiritista matapos dakpin ng pulisya sa dalawang kaso ng panggagahasa sa dalawang menor-de-edad matapos siyang matunton sa Brgy. Bonifacio, Quezon, Nueva Vizcaya noong Martes.?

Sa report na nakarating kay Nueva Vizcaya Police Director Sr. Supt Jeremias Aglugub; walang inilaang piyansa ang dalawang korte kay Pastor Oliver Mariacus Abance, 47, na tubong Tuba, Benguet.? Nabatid na humaharap sa kaso ang pastor na isinampa ng kanyang mga biktima mula sa Kalinga at Benguet.

Show comments